Reading Wikipedia In The Classroom Perspektibong Survey ng Guro - Pribadong pahayag

Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa kung paano at kailan nangongolekta, gumagamit at nagbabahagi ang Wikimedia ng mag impormasyon na natatanggap nito sa mga sumasali sa survey.

Ipinapaalala na ang survey na ito ay pinapagana gamit ang Qualtrics, at ang paggamit ng inyong impormasyon ay nasa ilalim ng kanilang Privacy Policy at Terms of Service.

Layunin ng Survey

Nagpapasalamat kami sa inyong pagtugon at feedback! Matutulungan ng survey na ito na maintindihan namin ang perspektibo ng mga guro patungkol sa kahalagahan ng Wikipedia sa loob ng silid-aralan.

Anong mga Impormasyon ang aming Kinokolekta

Ang survey na ito ay kokolekta ng inyong mga sagot o tugon sa mga katanungan sa dokumento. May dalawang uri ng sagot: defined at free form na kasagutan.

Pagbabahagi ng Impormasyon at  Disclosure

Ang resulta ng survey na ito ay hindi ibabahagi sa publiko. Ito ay ibabahagi lamang sa mga Wikimedia staff at kontraktor na kinakailangang magproseso nang mga impormasyon, at ito rin ay mapapasailalim sa non-disclosure obligation, maliban lang sa mga sirkumstansya na inilalarawan sa ibaba.

Ibabahagi lamang namin ang nakolektang impormasyon kung hinihingi ng batas, kung mayroon kaming pahintulot galing sa inyo, kung kailangan naming protektahan ang aming karapatan, kasarinlan, kaligtasan, mga user o ng publiko kung kinakailangang ipatupad ang Terms of Use o anumang polisiya ng Wikimedia.

Mahalagang Impormasyon

Ang Wikimedia Foundation ay isang pandaigdigang organisasyon na nagpapalaganap ng libre at bukas na kaalaman. Sa pagsusumite ng inyong mga tugon, nauunawaan nyo na ang mga impormasyong ililipat sa Wikimedia Foundation ay kokolektahin, itatago, ipo-proseso, hindi ibabahagi at maaaring gamitin sa Estados Unidos gaya ng nasa Privacy Statement. Nauunawaan nyo rin na ang mag impormasyon na ito ay gagamitin namin mula sa US papunta sa bang bansa na may iba o mas hindi mahigpit na batas sa data privacy na katulad sa inyong bansa, upang maisakatuparan ang layunin  ng nasabing proyekto.

Nauunawaan din ng Wikimedia ang kahalagahan ng privacy ng user at dahil dito, sinisikap naming mapangalagaan ang aming mga user mula sa walang pahintulot na paggamit o pagbabahgi ng mga impormasyon na nasa sa amin. Ang raw na data na nakolekta mula sa survey ay buburahin, mawawalan ng pagkakakilanlan at pagsasama-samahin sa loob ng 90 araw. Pakitingnan ang aming data retention guideline para sa karagdagang impormasyon.

Kung mayroon kayong mga katanungan tungkol sa survey na ito, o may nais kayong palitan, baguhin, tingnan, i-access o alisin na impormasyon na naitala sa survey, maaaring kontakin si mguadalupe@wikimedia.org.

Muli, salamat sa inyong pagtugon!

Ang Wikimedia Foundation

Kapag nagkaroon ng ibang kahulugan o pagkaintindi sa dokumento na ito at ang orihinal na  bersyon ng English Privacy Statement sa pagkakasalin nito, ang orihinal na bersyon ng Ingles ang mananaig.